Vintage Tumblr Themes

Divina.

Ganon? Sarado ang isip ko? At para sa’yo tama lang ang idinidikta ng mga negosyanteng nagtitinda ng damit, at mga doktor na humihigop ng taba, at nagdadagdag ng suso kung sino at ano ba dapat ang magandang tao?

Hindi ka nila ginagawan ng pantalon kasi punggok ka, hindi ka nila ginagawan ng blouse kasi tabatsuy ka, dapat ikaw si Megan Fox para pwede sa’yo ang damit nila!

‘Yon ba ang ibig mong sabihin. Joleena Ann? Ang lalaking walang abs, pangit?            Ang babaeng mahaba ang damit, hindi sexy? Ang mga hottie ay base lang sa standards ng mga patalastas? Kung hindi natin kamukha ang mga modelo at iba ang mga suot nationg sapatos, pantalon at damit sa kanila, pangit na tayo kaagad? Amapapangit ng nilikha ng Maykapal, ganoon ba?





COMMENTS

1/1